Posted on 8:45 PM
Just wanted to say a big
WELCOME TO KEPZLAND, TRISH!

(nes)

Posted on 4:29 PM
Ei alam nyo na ba to?

ANG ALAMAT NI GRIMACE

Hindi ka ba naku-curious kung ano o sino si Grimace??? Sa mga hindi pa
nakakaalam... si Grimace ay yung batchoy na kulay ube na mascot ng McDo.


Ano ba siya? At ano ba ang papel nya sa buhay ni Ronald? Sabi sa website ng
McDo, eto daw si Grimace:

"Grimace is a big, loving, fuzzy purple fellow who is Ronald McDonald's best
friend. He's sure Ronald is the world's ultimate authority on everything.
While Grimace loves all McDonald's foods, he's absolutely crazy about
milkshakes. Grimace is very enthusiastic and eager to try new things. His
joyous spirit helps everyone overlook the fact he's a little slow and clumsy
sometimes."

Ows? E ano naman ngayon?!? Actually, si Grimace ay kontrabida na may anim na
kamay na nagnenenok ng milkshakes. Ika nga sa isang website:

"Between Hamburglar (who stole burgers), the Fry kids (who stole fries), and
Grimace, crime was running rampant in the 'McHood."

O di ba... napakagandang ehemplo sa mga kabataan?? Pero ang pinakamagandang
mga teorya ay galing (kanino pa?) kundi sa mga Pilipino:

unang teorya: Si Grimace ay isang ube mascot. Ung
McDo marahil ay may ice cream o shakes na ube ang flavor.


pangalawa: Si Grimace ay bastardong anak ni Tinky
Winky ng Teletubbies (na natsitsismis na bakla) at isang eggplant.

pangatlo: Siya ay violet na krayola na iniwan ng mga
bata (sa playground ng McDo) sa araw para matunaw.

pang-apat: Grape-flavored drink daw si Grimace... kaya lang maasim un drink
kaya nagmukhang grimace sila... kaya siya tinawag na Grimace!

panlima: Siya daw ang pinaka-suwangit na mascot ng
McDo, kaya siya pinasuot ng costume - purple na costume daw ito na napaka-
bigat na hindi na matanggal! Hehe!

pang-anim: Si Grimace ay lahat ng pagkain sa McDo na hinalo sa blender....

pampito: Siya ay isang milkshake. Period.

pangwalo: In-introduce daw ng McDo ang kamote french fries sa Pinas ng pumunta
daw sila dito. Kaya daw may mascot na Grimace. Isa siyang kamote.

pangsiyam: Kakambal pala siya ni Ronald McDonald,
kaya lang, retarded daw si Grimace kaya siya pinasusuot ng purple costume.

pero ito ang pinakamatinong teorya so far...

pang-sampu: Si Grimace, kasama ng iba pang mascotsn ng McDo, ay pinakilala
noong 70's. Siya ang nagrepresent ng Blueberry milkshakes na ni-launch sa
US. Ang tawag talaga sa kanya ay Evil Grimace, kasi
nga nagnenenok siya ng milkshakes. Galing siya sa isla na puno ng sigla at
puro milkshakes. (Ok, whatever...)

E ano ba ang official word ng McDo???

Well, may tumawag sa McDo to ask nga kung sino ba
talaga si Grimace... Alam mo kung ano ang sinabi ng babaeng sumagot ng
phone.....???

"He's a potato."

Uh... okay! Whatever....

Posted on 4:27 PM
O Trisha, mukhang badtrip ka! Ano nanaman nangyari? Bakit may gusto ka awayin? Normal lang naman na gustuhin ang makipag-away. Ako din paminsan-minsan, gusto ko manapak ng tao. Pero lilipas din naman yan.


So kita kits nalang sa Monday. Lagot nga ako sa Daddy ko at hindi ako nakinig at nag-guest cya sa radio show eh! Hindi ako nagising ng 5:30 am at ang malala pa eh di ko makita yung am station! Tangek ko talaga!


Oi Trish, may date pa tayo sa Monster's, Inc. Panuod ulit, ahehe!

Posted on 1:34 AM
Haynako, pareho lang ata yung "Who can say" tsaka "Only Time"...san mo yun napulot, sa "Sweet November"? Matagal na akong Enya fan kse napaka-soothing ng music nya...anyway, just went to LB at pinagpapatuloy ko yung lintek na clearance ng ate ko kse yung adviser nya, ampanget di ko mahanap at lagi naka lock yung kwarto. Feeling ko tuloy may "milagro" na ngyayari don sa loob, ahehe!!! Tsaka I dropped off my newly-repaired stereo and cds. Hindi nga totoong cd player yung akin eh..pang cd rom sa laptop!! Ahahah!!! Wala pa akong pambili at masyado ako nadadala sa katuwaan ng bibili ako ng bagong phone. Ayan, binanggit ko nanaman. I'm getting so sick of it already. Parang tuloy nagsisinungaling tuloy ako.


Sinamahan nga pala ako ni Ianne sa aking mission...dapat kukuha na ako ng PE pero too bad walang tao sa Baker Hall. Grabe, padalas ng padalas ang pagtambay namin sa Burger King. Lugi na sila kse more than 3 times kmeng ngpapa-refill! Ahehe!!!


Haynako Nessa, sobrang namimiss na talaga kita. Kung alam mo lang. Maybe I'll call you later. Kailangan ko magkwento eh.

Posted on 2:32 AM
Hey Patty! Hyper ka, ah! Hehe. Baka maiksi lang muna 'to kasi malapit ng mag Meteor Garden, hehe. Grabe, ang lungkot ng araw ko. Para akong mumu na nagmumulto lang sa mga corridor. Wala kasing pumapansin sa akin eh, sobrang feeling ko tuloy invisible girl ako. Haay. Ang hirap pala na mapunta sa bagong school na wala kang masyadong friends! Hindi ko na-realize yon nung nasa Los Banos ako kasi nandiyan kayo, first day pa lang may friends na ako. *sigh* You guys were the greatest thing that happened to me in LB. I can never thank you enough for being my friends. Lalo na ikaw, Patz. Grabe, ang rami rin nating ginawang kalokohan, noh? Hindi ko alam kung ikaw yung b.i. o ako. Basta we screwed the world!

Tayo nalang ata ang Kepz sa mundo, ah! Kung ayaw nina Aya, Trish at Keng na magsulat dito, okay lang yon. Wag mo nang pilitin. Baka it's not their thing talaga. Dinabale, madaldal naman tayong dalawa, so enough na yon!

Nag download ako last week ng "Who Can Say" by Enya! Grabe, ang galing! Pero naiiyak pa rin ako kasi hindi ko mahanap yung Charlotte Church kong cd. Hindi ko alam kung kanino ko yon pinhiram.. kay Ate Che kaya? Shit talaga. Oy grabe, may kwento ako sa yo. Lammo nung nagbabasa ako ng mga announcements sa bulletin board kanina sa school, may nakita akong ad na ito nakasulat:

Wanted, Females 18 years old and older who are willing to pose in Playboy-like pictures. You're face will not be shown and the pictures won't be published in the Philippines.
P10,000 a month!
You're body doesn't have to be perfect, just come as you are. The photographers are females and there will be no boys in the pictorial room.
P10,000 a month!
Please contact.... for details. Hurry and grab this great opportunity to make extra money!
For females who have the power to make P10,000 a month. Woohoo!!

Grabe noh?! Sobrang tawa ako ng tawa nung nabasa ko yon! Ano, kung nandito ka siguro na-dare na natin ang isa't isa na sumali diyan. Pucha, P10,000 din yon! Ano sa tingin mo? hehehe, don't worry wala naman akong balak sumali. Hindi pa naman ako naghihirap. Pero siguro kung na-aksidente parents ko tapos wala talagang pambayad, baka pumayag pa ako. Hindi naman masama yan, diba? Malay mo, sumikat ako at madaig pa sina Aubrey Miles!

Oy, Meteor Garden na. Sulat nalang ako ulit soon. Ingatz!

Posted on 11:38 PM
Hey Ness!!! Wala kmeng pasok ngayon!!! Bday kse ni Pepe eh! Hahaha! Dalawang araw pa bakasyon ko at wala rin akong pasok sa Friday. Too bad hindi ako nakakuha ng PE. Inutusan kse ako ng Ate ko na asikasuhin yung clearance nya maski na hindi naman ako willing kaya ayan medyo pikon na talaga ako. Ang hirap mag pre-rog. Naaawa ako sa mga taong nagpre-rog. Buti nalang ako hindi na kailangan. Inis-snab nga pala ako ni Navera kahapon. Long story pero pramis, gusto ko talaga cya i-slap! Bwiset cya talaga. Can't believe nagkagusto ako sa baklitang yun.


Di ko masyadong gusto yung girl dun sa room mo. Sorry Ness, I won't take her under my wing. Nothing can replace you at mukhang hindi naman nya kme kailangan eh. So what di ba? Magiging busy rin naman ako this sem so I really don't have time to bond with the likes of her. Maybe kay Aya, Trish and Keng nalang ako magko-concentrate. By the way, the girl's name is Criselle (dunno the spelling) and she's not really the type of girl na "friendly". Tahimik cya at oo, frosh cya (freshman). Basta ayun na yun. Maybe I'm a hypocrite for not giving her a chance pero basta. Iba talaga eh.


Nung unang gabi namin sa dorm, hinanap ka ni Ken. Sabi namin lumipat ka na ng Diliman. Sabi nya "Ganon?! Ok lang, may bahay naman kme dun."<---so ano yun, gusto ka nya makita? Yihee


So, ano pa ba? Ok naman lahat...kahapon nga lang, dalawang beses akong natagusan sa pants!!! Talk about painting the whole town red!!! Nakakahiya talaga...tapos nasayang pa dalawang pants ko. Sucks.


Yay!! Na-download ko na "Ignition" tsaka "Only Time (Enya)". Nandiri yung kuya ko nung nalaman nyang dina-download ko Ignition pero I don't care. Cya nga puro "trance" eh. Eh di ko naman syado gusto yun. Ok lang sana techno pero I'm over that phase now.
Nagda-download naman ako ng "Landslide" by Smashing Pumpkins. Whoppie!!!


Ok, dami ko pa sana gusto sabihin pero next time nalang. Medyo kinukulit ko narin sila AYA and TRISHA mag-post dito. Si Keng naman, napaka-obvious at tamad mag internet. Si Aya kse "chat freak" at walang gustong gawin kundi ayun lang, ahehe (sorry AYA).





Posted on 5:21 AM
hay nako ambagal naman ng internet connection ko ngayon.. nakakayamot naka-stare lang ako sa compute screen habang minomonitor ang progress ng mga dina-download ko at nag-aabang na mag-load na sana ang webpage. malas naman.. bat ang bagal ng connection ngayon? okay anyway, magsasalita nalang ako ng whatever.

Alright, here goes. While in LB, although I was a freshman, I didn't feel like one. Maybe it was because all the people I hung out with were either sophomores or even older. I didn't really socialize with my own batch (the people at the very bottom of the social totem pole--> freshies), because aside from the fact that I was older than them, I also thought differently from them. Anyway, what I'm trying to drive at is, even if I was basically a nobody, I didn't feel like a nobody. It didn't matter that I was in a strange new place. I still felt like I was something. Or someone.

Now, in Diliman, it's totally different. I really feel like a nobody. Sure it's my dream school, but here it's like nobody notices whatever I do. How do I build myself up here, when everyone's so walang paki, and everyone's practically an individual , meaning different in his own right? I have to find my thing. I just don't know how.

Posted on 4:57 AM
Hey I'm happy for you! (na nage-enjoy ka sa classes mo).. If i know dahil lang yan sa a certain cutie who's name starts with the letter E. Go Edward!!! I-career mo na si Patz! Available and willing yan! ahehehehe

Ba't mo naman sinasabi na miss ako ni Ken? Kilig naman ako! (ahehe!) Di nga.. ba't nga ba? (ahehehe!!) Sabihin mo naman sa kanya miss ko rin siya! (yaaaahhh! joke is half-meant only!) wink, wink!

Don't worry, pinagi-isipan ko na nga kung paano ako makakapunta diyan. Maghahanap lang muna ako ng boylet na may tsikot. Ikwento mo naman ang new girl who's staying in my old room. What's she like? What's her name? Freshie ba?

Love you my prrtbol!

Posted on 1:46 AM
Hey Ness! Looks like we're the only ones posting in this supposely cool blog...hey, medyo ok naman ako talaga eh. Ako pa!!! Everything's so clear now xcept my eyesight, hehe!!! I miss you so much!!! Miss ka narin ni Ken. Medyo enjoy naman most of my classes...Kukulitin ko nalang sila Aya na magpost dito. Mas gusto nya kse mag-chat eh!!! Pramis, pabubutihan ko ngayong sem kse medyo kailangan. Hope to see you soon. Lagi kitang naalala pag pumapasok ako sa room. ganun kita ka-miss. Kulang nalang baunin ko picture mo, ahehe. Hope to see you soon.